Home

Advertisement

finally..

  • Feb. 25th, 2007 at 5:04 PM

finally, a theme that suits me best..*all smiles*
change IS good..
(kaso hindi bagay sa summer..tsk tsk, wala bang iced coffee jan?^_~)

what happened since my last post (na kani-kanina lang nagawa,;p):
- nag-grocery kami (ako lang at si ate em, ang aming cheerful yaya :D)
- bago umuwi, daan ako saglit sa record store baka may new bamboo album na...aba!meron nga! ok buy na to! new cd ulit..^_^

ayon lang..trip lang ulit magtype..wahehe^^,

ang aga..

  • Feb. 25th, 2007 at 8:47 AM

ang aga ko nagising..
mga 7+am siguro..
had a bad dream..
kaya ayoko na ulit matulog..
kaso parang na-aantok ulit ako..
pero hindi na ako matutulog..
marami pa akong gagawin..
sana nalang maging productive ako ngayong araw..
sana lang talaga..
gusto ko ng baked tahong na maraming cheese..
hindi ko alam kung bakit..
wala na akong maisip i-type..
bakit tuloy parin ako sa pagtype??
siguro ayaw ko lang papigil..
o baka kasi pag tumigil ako wala na akong gagawin dito sa harap ng computer..
e lumiligid ligid na yung kapatid kong maaga din nagising..
mukhang kating-kati na magcomputer..
ayoko pa tumigil kasi ayaw ko pa siya gumamit ng computer mwahahaha..
magdamagan naman kung gumamit yon eh..
sige lang type..
type pa ng type..
naku napasilip ata dito..
alis na nga ako..
mabasa pa niya to..
paalam sa ngayon..

weeeeh!!!!

  • Feb. 23rd, 2007 at 5:33 PM

ahaha, drugtus addictus ata ako ngayon, nagising akong medyo negative ang outlook pero umuwi akong satisfied at PASITIB!..huwaw, bliss kung bliss..

i woke up thinking "shucks, sabi pala ni valix may result na daw ngayon, ano kaya ang sa akin?" tuloy na sa aking morning rituals para paghandaan ang big downer na feel kong mangyayari sa akin.
====================
busy akong nag-aayos ng gamit ko, ready to take off na nga..i checked my phone, may text message pala, ("ang aga naman netong text na ito..") pinindot ang "read"..

message: uy!nasa top 100 ka! ang galing naman!Ü from:anne.retuya

(woah!imposible, hindi ako nag-aral lalo na sa BLT. bagsak dapat ako)

pindot and "reply",

write message: weh.. pindot "send"..

maya maya saglit..bzzzzzz (nakavibrate na eh,^_^)

message: oo nga. nasa 90+ ka ata pati nga si rizza e. ang galing naman from:anne.retuya

(hindi talaga ako maniwala, kaya reply ako ulit ng "weh...")
====================
pasok na ng cpar..
atty. D: dahil napag-usapan natin kahapon, sasagutan na natin ang inyong 1st preboard exam..

habang nag-aanswer na..
talking to myself: isang all caps na TAKTE!! bingo ako nito a, mas marami pa yung mali ko sa tama!!weh naman talaga si anne o, e bagsak na ako for sure dito eh..
====================

hinayaan ko lang hanggang sa matapos na yung class, tinignan ko yung list..
CHANGINA!!oo nga!takte ilan ang BLT ko? shucks 70?!panu nangyare to??!!??!!woah..

*may kumalabit sa akin*
anne: o sabi sayo eh..
ako: oo nga, mwehehe pero #97 pala..ahehe si rizza kaya?anu bang number niya?
anne:naku nakalimutan ko e, basta sa babang paper yung name niya..
*start ako sa 100 pabalik sa 1, aba 80+ wala pa name ni rizza, 60+ aba wala parin naks!! tapos..*
ako: ayun! huwaw #59!! naks eto ang dapat manlibre!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
end na..tamad na ako magtype..sumasakit narin ulo ko..sige na..ahehe^^,

bad start

  • Feb. 20th, 2007 at 3:06 PM

wahuhuhu!!! nabigay na yun answer keys ng MS and TOA/P1 kanina..andami ko mali..wahuhu..mas nakakaiyak pa, carelessness yung ibang mali ko..wahuhuhu talaga..:((

hopefully tomorrow medyo maganda naman ang results, yun bang pabor sa akin..ehehe pambawi man lang..shucks ang pangit ng feeling ko ngayon, kakatakoooottt!!!!!!

bagong topic nalang..

  • Feb. 19th, 2007 at 8:20 PM

dumaan na ang new year, three kings, quiapo day, valentine's, chinese new year (may na-miss ba akong okasyon??) e ni isang post dito wala akong nagawa. in fact, kung papansinin e hindi ko na natuloy pa ang next installment ng aking "sprain" series. e takte naman, review palang for the May 2007 CPA board exams e ubos na oras ko noh..

anyways, bakit ngayon lang ulit? actually, thanks to my multiply account, naalala ko na merun pa nga pala akong lj..kaya eto, nagbabalik ako..

quick recap ng mga nangyare nung nawala ako dito:
- my cpar life: awa ng Diyos tuloy parin ako sa pag-rereview, kahit na puro ako reklamo, araw- araw reklamo. sobrang kain ng oras ko talaga to..sa totoo lang, hindi ko na nga maalala yung last movie na napanuod ko talaga sa big screen.hay..

- nung christmas season, shempre may mga items ako sa aking christmas wishlist na hindi man nagkatotoo lahat e maayos parin ang naging kalabasan. i was actually planning to buy a new pair of shoes (converse chucks sana) as a gift to myself, pero aba si mommy, binigyan kaming 3 sisters ng shoes c/o lacoste, wahehe ansaya^^, (trip ko yun akin kasi orange ung soles..waheheh)

- dec 29: nag get-together ulit kami ng high school dabarkads ko, kala ko hindi yun matutuloy, buti nalang it pushed through..whew!ansaya din neto..^_^

- feb 4: welcome party for uncle loy and auntie alice(my mom's sister), na naging combination na rin ng birthday party for auntie alice and family reunion ng frias clan..aba may nadiscover nanaman akong mga bagong kamag-anak duon!!actually, alam kong they exist pero hindi ko pa talaga sila nakita in person kaya parang new discovery..haha ansaya saya naman neto ^0^

- feb 5-9: aba kinareer ko ata ang pagpunta sa job expo nito!! with anne and kat, hala sige apply lang kami sa mga feel naming companies (uy ang choosy pa namin noh?ahehehe)

- nakabili ako this feb ng new stonefree cd!!!wahahahaha!!!

- feb 17-18: waahhh!!!!!!1st preboard!!!!!!huhu nahirapan ako ng sobra, hindi kasi ako ganun ka prepared..hmpf to myself!!sobrang procrastinator kasi eh!!!

ayan..ang haba na pala ng nattype ko...ahihi^_^
(after this ewan ko nanaman kung makabalik ako agad...wahehehe^^,)

S P R A I N ! ! ! numero tres

  • Dec. 23rd, 2006 at 1:06 AM

What: SPRAIN!
When: 12/13/2006
Where: sa bahay lang

nagcng ako ng maaga.
pero hindi ako papasok sa CPAR (CPA Review School of the Philippines).
ipapahinga ko ang ankle kong lintik na nasprain.
"sana okay na 'to bukas, 2hrs ng law ang mamimiss ko eh, sayang naman.."
massage, massage..
bandage, salon pas, painkiller..
gabi na.
"okay na kaya?hindi na ganun kasakit a.aba mukhang kaya ko na maglakad kahit papano.."
set alarm, 5:00am. mabagal ang kilos ko for sure.
tulog na nga ako..
zzzzZZZZzZZzZZ..

S P R A I N ! ! ! (installment 2)

  • Dec. 20th, 2006 at 8:35 AM

WHAT: SPRAIN!!
WHEN: 12/12/06
WHERE: sa bahay
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
scene 1: sa dining, hapon
ako: 'te em, bili mo naman ako ng ice, nklgay dun sa nabasa ko sa internet dapat i-ice daw..

'te em (our wais at maabilidad na yayaÜ): ay nako!wag mo i-ice, nangyari din yan kay ate nelly sabi sa kanya nun doktor nya bakit daw nya ni-ice..dapat daw un mainit..

ako: ay nye, anu ba yun baligtad..ganun ba yun?cge paki-init nalang ako ng tubig pls..

(pagtapus ng mga anik anik, treatment chuvaers ever ever..)
ako:'te em, prang wala namang nagyayare eh, bili mo nlang ako ng salon pas chka bandage, papabenda ko nalang kay shobe maya pag-uwi nya..

'te em: o cge, anu yun ulit?bandage chka salon pas?o cge..akin na pera..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
scene 2: nakauwi na c shobe..
ako:shobe!marunong ka mag bandage ng sprained ankle?naturo na yun sa inyo sa scout dba?

shobe: ha? hindi, chka un first aid namin elementary pa ako nun no..ang tagal na nun..

ako: ay nye, kala ko pa naman alam mo, i research mo nalang sa net o..*hanap hanap sa net* o ayan, panu daw?*basa basa konti* a o gets..patulong nga o..

habang ginagawa ko un benda..
shobe:a naalala ko na..oo ganyan lang yan..alam mo na pala eh..sus..

ako: aynako, e sabe dun sa net eh..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
scene 3: gabi na, sa kwarto
ako: momy, d ako papasok bukas..pde mo ako samahan sa hospital papacheck tong paa ko?baka kasi hindi lang sha normal sprain eh..

mommy: di kta madadala, maraming appointment and meetings..chka normal sprain lang yan, mashado kang nag iisip ng kung ano ano..

ako (sa sarili): normal sprain?eh ngayon lang ako naganito anong malay ko kung ano nangyare sa loob ng paa ko?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
scene 4: sa kwarto namen magkakapatid..
ako: dichi (kapatid kong sumunod saken), marunong ka ba gumawa nung splint?kasi matutulog na ako eh, para lang hindi magalaw un paa ko..

dichi: e ang alam ko lang un sa legs chka braso no...

ako: e, cge na tulungan mo nalang ako may idea ako..pde na kaya tong makapal na dyaryo?

dichi: ay ewan, bahala ka..idea mo yan..

ako: sige na, patulong nalang itali...

dichi: o sige na, cge na..

ako: ayun naman pala eh, pde na cgro to..concern ko lang naman basta hindi magalaw habang natutulog ako eh..

*zzzzzZZZZZZZzzZZZzzZz*

end of installment 2..

S P R A I N ! ! ! (installment 1)

  • Dec. 19th, 2006 at 12:44 PM

WHAT: SPRAIN!!
WHEN: 12/12/06
WHERE: steps sa harap ng CPAR
Scene 1
MUSIC:
"listen
to these things i have to say
please understand..."

BOG!BOG!*KRRRCK*

ARAAAAAAYYY!!

- uy francine, ok ka lang?
= hindi, nasprain ata ako..
- dahan dahan, upo ka muna..
= sige salamat

Scene 2 (kausap lang sarili ko)
= poteks ang sakit, parang may hapdi, shetz, sprain nga..pano ako uwi? hindi, kaya ko to, pahinga lang ako dito saglit, kaya ko to ilakad!! *masahe masahe ng ankle*
= oops, testing testing..kaya ba?mejo hindi pa, masahe ulit..testing testing *mejo stomp-stomp ang paa*, ayan pwede na cgro, basta dapat makauwi ako agad..

Scene 3 (sa FX)
msg: momy,pde mu b aku sundo s sm mla?nasprain kc aku, papnta nako dun..PLS (message sent)

BZZZZZT!(vibrate mode eh ^_^)
momy: d kta masundo, may miting ako, ob ako ngyn eh..wg mo na ako hntayin,uwi ka nlng agad..

msg: ok lng, andito nako sa bhay.. (grabeh nanay ko, antagal magreply)

END OF INSTALLMENT 1....

pagkatapos ng 1st week ng REreview

  • Nov. 25th, 2006 at 2:51 AM

nakakahaggard agad 1st week palang pero in fairview, masaya, kuntento ako sa mga naging reviewers namin..swerte nga actually eh..ehehehe..

*Auditing Problems and Auditing Theory - Ocampo (nakakapanibago kasi matangkad ngayon ang reviewer ko dito, hehe)
*Theory of Accounts and Practical Accounting 1 - Valix (ang living legend, wahaha)
*Management Services - Tan (sobrang thankful ako na siya reviewer ko sa MS grabeh!!)
*Business Law and Taxation - parehong Atty. D!!!!!!wahooo celebration talaga yun...laking pasalamat ko hindi si Jack ang Tax namin grabeh!!
*Practical Accounting 2 - Guerrero (isa pang living legend, contest sila ni Sir Valix sa paramihan ng napublish na libro..ehehe)

a week after the board..

  • Oct. 29th, 2006 at 9:00 AM

hindi man ako nagtake e feeling ko para rin ako nagtake. tanong sa sarili, tanong sa kapwa BSA students na nagtake ng October CPA board exams..

"tanong sa sarili"-bakit?
shempre lahat ng ginagawa nating decisions di natin maiwasan maisip ang mga "what ifs". ganyan ang nangyari sakin.
-WHAT IF nagtake din ako? = edi hindi ako nakaattend ng PICC grad ko, edi tulad ng iba sobrang kabado ako ng 2 weeks, edi, edi, andaming 'edi'
-WHAT IF pumasa pala ako? = edi sana CPA na ako, edi hindi na ako dependent, edi nakapagapply sana ako sa mga trabahong "naghihintay sa akin"(hehe), edi, edi, andaming 'edi'
-WHAT IF bumagsak pala ako? = edi feeling loser talaga ako, edi depressed ako hanggang ngayon, edi nanghinayang ako sa hindi pag attend ng PICC grad, edi, edi, andaming 'edi'

sa mga ka-BSA ko..
shempre curious ako, hindi nga ako nagtake e, edi hindi ko alam ang feeling before, during and after, isama narin ang feeling ng paghihintay sa exam grade, pasado ba o bagsak?
-'ANUNG FEELING bago magstart yun exam?kinakabahan ka ba?natatakot?confident ka ba naman sa mga naaral mo?'
-'ANUNG FEELING after ng 1st 2 days?theory yun edi ang hirap?kasama pa yung MS,yun ba mahirap? anung feeling natapus mu na 1st half ng exam?magaaral ka pa ba sa week in between?tingin mo ba kasya yun?...'
-'o anu na?grabe natapos na board exam!ANUNG FEELING? tingin mu marami kang tamang sagot?mahirap ba yung problems?anu pinakamahirap na subject?...'
-'o kamusta na?okay ba?wala kasi akong nakuhang copy ng manila bulletin, sa internet hindi pa kumpleto..aba, CPA ka na!buti ka pa..aysus, okay lang yan there's always next time, edi sabay tayo diba? conditional ka?tingin mo?a kukunin pa grade sa PRC?o sige, balitaan mo ako ha.'

hay..mensahe nalang sa mga ka-BSA ko..
sa mga bagong CPA-congrats: libre nyo hinihintay ko ha..Ü
sa mga "hinintay" ako: thanks ha, concerned kayo sa akin, wehehe joke lang..ok lang yan..aja parin, hindi naman lahat nakukuha sa first take pero shempredapat i-limit ang sa 2nd take diba? ^___^

update muna bago matulog, heheÜ

  • Oct. 15th, 2006 at 3:03 PM

recent updates:

October 10
- dumaan ako sa cpar para kunin ang final preboard result ko, at aba, di ko man inaasahan e pumasa pa ako! 78.93 ata yun, oha, di pa ako conditional. walanjo, biruin mo yan?!?
- birthday ko. nagtreat ng college friends sa pizza hut sa UM. bakit doon? simple, bumuhos ang malakas na ulan. siyempre nag picture picture kami, kaso sa katangahan ko, nadelete ko lahat yun, di pa yun nabababack up-an eh..fyuteks..grr.
- uwi na..

October 11
- kuhaan ng toga
- bayad ng photo coverage
- practice ng college recognition rites ng CBE sa Yuchengco Auditorium
- class picture sa north conservatory
- practice sa 6th floor parking lot sa sports complex para sa graduation program sa PICC
- uwi na..

October 12
- college recognition rites, College of Business and Economics
- huli man kami, nakaabot parin
- uwi na..

October 13
- wehehe, tambay lang sa bahay

October 14
- PICC graduation, eto na to..
- muntik pa ma-late, buti umabot
- bad news: nawala ko yung regalong bracelet sakin ni mommy, fyuteks..maluwang naman kasi,changina..
- balik sa masaya, kumain kami sa Mall of Asia. nagkita pa ulit kami dun ni james, small world grabe. sabi nga ni james, "akala ko ba malaki ang Mall of Asia?" onga naman..
-uwi na..

October 15
- "lunch" out naman naming high school dabarkads, sa yellow cab binondo lang, tumambay onti sa starbucks after. bakit "lunch"? kasi mga 3+ na kami nakapagsimulang kumain, hapon narin kasi ang napagusapang oras.
- uwi na..

Ayun, tapus na..

october na...

  • Oct. 2nd, 2006 at 6:29 PM

lampas isang linggo na mula noong cpar final preboard, pero hindi ko parin alam kung pasado ba ako dun o hindi..

october na, sa katunayan nga kahapon pa..anong meron sa october?

- siyempre ang pinakaimportanteng petsa sa buhay ko..pagsapit ng 10-10-2006 masasabing nasa "age of majority" na ako, debut ko na (lalaki ako eh, joke!)..sa puntong iyon wala na talaga akong kawala sa pagiging isang EX-TEENager..hindi na pwede ang "teen pa ako noh, twenTEEN.."

- isa pang pinakahihintay ng bawat mag-aaral na "nagpakasakit, nagtiyaga, nakipagsapalaran" sa mahabang panahon, ang pag-akyat sa entablado upang maabutan ng pinakaaasam na DIPLOMA. totoo na to mga chong!

- kani-kanina lang ay nagtapos na ang kinasasabikang game 3 ng uaap finals, ADMU vs UST, may mga magtaka man pero kampi ako sa Ateneo. (sa totoo lang bago pa man ako tumuntong ng kolehiyo ay sa kanila ako mas kampi kaysa sa DLSU, walang biro. pero siyempre, "love your own") ang masakit lang ay hindi sila ang nagkamit ng kampeonato ng uaap. tsk tsk..sayang..masakit pero kaya..(two thumbs up para kina macky escalona-para sa pagpupursige, jc intal at doug kramer-taas noo parin, kahit final flight nyo na..)

- isang mahalagang kabanata sa buhay ng mga Accountancy graduates, ang OCTOBER CPA BOARD na sa 14, 15, 21 at 22 gaganapin. GOOD LUCK SA MGA BOARD TAKERS, KAYA NYO YAN..MABUHAY KAYO..special mention sa aking mga ka-cpar na sina madi, rizza at pj..itayo ninyo ang bandila ng CPAR!wehehe, shempre DLSU ang una..)

2 days to go..

  • Sep. 21st, 2006 at 9:42 AM

shetz..preboard nanaman..d k tlga alam kng bkt nagpapagod pa ako e sa May pa naman ako magtatake ng actual CPA board..

mejo nega ang naiisip ko..natatakut aku, feeling ko kasi d ako papasa dun sa preboard..:(

bahala na..sana matapos na agad to..para no pressure..sa Nov nalang ulit, totoong review na tlga yun..:)

super idle na tlga..

  • Sep. 8th, 2006 at 2:15 PM

idle ako for one whole term!!

well, it was worth all the wait..FINALLY GRAD NA AKO!!!!

all those hours spent on studying, doing projects, attending classes, etc etc...it's all worth it..hayy. still can't believe it..

sa totoo lang di ko alam ang naffeel ko or naiisip ko pag narerealize kong grad na ako..minsan nga parang: "tae, grad na pala ako.." di parin ako tinatamaan...

kaya eto..nipalitan ko na un user pic ko kasi sure na sure na talaga ako na may karapatan na akong i-display to..ehehe

"POTEKS GRAD NA NGA AKO!!!!!!!"

wow..

  • Apr. 30th, 2006 at 3:20 AM

1 month na akong idle dito..grabe..lecheng pc, klngan pa ireformat..leche ako..naghahabol kasi..
asus asus..

gusto kong magsabi ng kung anu ano pero prang wala akong masabi..

gusto kong magkwento ng marami pero parang wala naman gaanong nangyari..

basta lang ang buhay ko araw araw ay umiikot lang sa tatlong salita.. gising, trabaho, tulog..

dahil lang sa ojt..parang yun lang ang buhay ko ngayung summer term..hindi, YUN LANG ANG BUHAY KO NGAYUNG SUMMER TERM..

wala..wala akong masabi..

hintayin ko nalang matapos ang ojt, baka dun ako magkapanahon para sa sarili ko..ojt muna, chaka na ako..

19 hours na akong gising..oha..

  • Apr. 1st, 2006 at 4:09 AM

bakit?

cramming dude!!!!black belter ako dito..ahahahahaha!!!!!!!

nasisiraan na ako ng baet dito..ehehe..

matutulog na muna ako saglit..tapus haharapin ulit ang realidad ng buhay mag-aaral...

un "homework" nalang sa mansrev ang klngan ko tapusin..buti nalang nagsolve na ako nun karamihan sa mga problems chka nagsagot ng ibang questions sa theories..kung hindi baka..tsk tsk..

tutulog na muna ako...

hopefully magising nga ako...waaaaaahhhhhaaaaaaaaahhhhhhhaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!

wednesday's"what went wrong?" whatever...

  • Mar. 24th, 2006 at 7:40 PM

oha..pinilit ko talagang sa subject e lahat ay magstart sa "w"

what went wrong nung wednesday (kaya badtrip day ko itoh):
1. thesis defense = deferred grade
2. taxbusi = natawag ako for recitation, buti nalang nabasa ko agad yun part bago ako matawag
3. compsy3 = ipatest ba naman yung org chart??!!??!!, sayang ang basa ko ng notes!!!!!!!wala tuloy ako alam..grr..
4. yun jeep na sinakyan ko pauwi hindi dumaan sa street namin mismo, naglakad pa tuloy ako

lahat nalang...........

bakit ba????????????

anu na mangyayare sakin ngayun????????????????

haay....

hay hay hay

  • Mar. 20th, 2006 at 8:06 PM

grabeh....

wala nanaman ako magawa dito sa compsy..

kasi naman wala pala kami test..pero buti narin..whew!

anu kaya mangyayari samin sa defense!!may test pa ako that day!!!grabeh.....

konting tiis nalang, tapus na sa research chuvaers na yan!!!!!!*crosses fingers*

ang tanga tanga ko talaga..

  • Mar. 17th, 2006 at 12:21 AM

ang tanga tanga ko talaga..as in..pramis..

ang nagkamali sa basic dba tanga??

basic accounting hindi ako marunong????bakit ako umabot kung san man ako ngayun?e basic lang nagkamali pa ako..

ang mas masaklap..ulit ko na tong subject na to....

yun ang pinaka tumama sa akin..parang nasipa ako sa "balls" (kahit wala ako nyan)

basic lang..sino ba namang tangang bsa student ang magkakamali jan?shempre ako na yun...

sabihin man ng iba na i'm being hard on myself e ganun talaga ako...

ang tanga tanga ko talaga

tanga na engotz pa..o dba san ka pa???

lalo ako nanghina sa pagaaral..

dagdag pa yang thesis...

summer ojt (na ewan ko kung matutuloy ba talaga)

lahat lahat na!!!!!

ang malas ko talaga...

malas na tanga na engotz

yun ako...

ang liit ko na

microscopic na nga eh..

repeater pa ako netong subject na to

yan ang certified engotz

i win the engotz of the year award..

ako lang din ang nominee..

kaya sure win ako sa award na yan

ay leche....

ang thesis, bow..

  • Mar. 7th, 2006 at 9:42 AM

any kaya ang mangyayare samin???

ngayun plang kami magpapas ng 1st draft, e bukas na pasahan ng final draft..oha..ang galing talaga namin...

pero di nga, anu kaya mangyayare samin???????

ewan ko, malay natin, bahala na..